-- Advertisements --
crowd covid people COVID

Karagdagang 185 na kaso ng nakamamatay na Coronavirus disease 2019 ang naitala ng Department of Health (DoH).

Base sa datos ng DoH, ito na ang ika-12 sunod-sunod na araw na mahigit 100 ang bagong kaso ng covid sa bansa at ika-apat na sunod na araw na mahigit sa 150 ang kaso ng virus.

Dahil sa naturang bagong kaso ng virus ay pumalo na ang kabuuang bilang ng kaso sa 4,078,994.

Sa loob ng 16 na araw, naitala naman ang pinakamataas na aktibong kaso ng virus na 9,290.

Nadagdagan naman ng 147 ang mga nakarekober kaya nasa 4,003,432 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober dahil sa virus.

Lumobo na rin ang death toll sa 66,272 matapos madagdagan ang mga namatay ng pito.

Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala pa rin sa National Capital Region (NCR)a ng pinakamataas na kaso ng virus na nasa 564.

Sinundan ito ng Davao Region na mayroong 288; Calabarzon, 233; Soccsksargen, 191 at Northern Mindanao na mayroong 167.

Ang mga probinsiya at lungsod namang mayroong pinakamataas na kaso ng virus sa nakalipas na dalawang linggo ay ang Davao City na mayroong 133.

Sinundan ito ng Davao del Sur na may 111; Quezon City na may 107, Manila na may 106 at Cagayan de Oro City na may 97.