-- Advertisements --
Nakabantay ngayon ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng Leptospirosis sa bansa kasunod ng mga pagbaha dulot ni severe tropical storm Kristine.
Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na naka-alerto ang ahensya sa muling pagtaas ng leptospirosis cases dahil sa sunod-sunod na pag-baha sa ilang lugar sa Pilipinas.
Naiulat kasi kamakailan ng DOH, sa datos nila ang pagbaba ng mga kaso ng leptospirosis nitong buwan pero aniya mukhang mag uumpisa itong tumaas sa susunod na dalawang linggo.
Nanawagan naman si Domingo sa publiko na nasa evacuation center na hikayating pumunta sa health center kung makakaranas ng leptospirosis upang mabigyan agad ng antibiotics.