Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na hindi nito irerekumenda ang border control, pagbabakuna at paggamit ng mga mask sa kabila ng pagtaas ng Covid19 cases sa bansang Singapore at India.
Sa press briefing dito sa Malakanyang, sinabi ni Herbosa mababa pa rin ang kaso ng Covid-19 sa bansa lalo na ang utilization rate sa mga hospital sa bansa.
Sinabi ni Herbosa, naka tutok ang Department of Health sa kaso ng Covid 19 sa bansang Singapore lalo at punuan na ang mga hospital duon.
Aniya, minomonitor ngayon ng Health department ang Flirt virus na tumatama sa Singapore ngayon.
PInayuhan naman ni Herbosa ang publiko na magpatupad ng minimum public health standards gaya ng pasusuot ng mask sa mga pampublikong lugar.
At kapag mayruong mga flu like symptoms, manatili na lamang sa bahay at kapag hindi pa gumagaling magpa check up na sa doktor.
Wala ring nakikitang pangangailangan si Herbosa na magpa bakuna laban sa Covid 19.
Inihayag din ng Kalihim na mahigpit nilang mino-monitor ngayon ang influenza illnesses sa bansa na may pagtaas ng kaso.