-- Advertisements --

Nakabantay ang Department of Health (DOH) laban sa pathogen na tinatawag na mycoplasma pneumoniae kasunod ng pagtaas ng kaso ng pneumonia sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, ang nasabing pathogen ay kabilang sa sinusuri ng Research Institute for Tropical Medicine.

Idinagdag niya, ang mga doktor ay hindi karaniwang nakakakita ng ganitong uri ng bacteria na kanilang tinetest.

Kaya naman aniya, agad nilang inirerekumenda sa mga pasyente na uminom ng antibiotics.

Nilinaw ni Tayag, na ang ganitong uri ng bacteria ay drug resistant.

Ito ay nangangahulugan aniya na ang mga antibiotics ay hindi gaanong epektibo kaya marami ang naoospital partikular na sa mga kabataan.

Sinabi ni Tayag, na nakakahawa ang ganitong uri ng bacteria kahit wala pang sintomas.

Una na rito, pinayuhan ng DOH, ang publiko na magsuot ng mask o manatili na lamang sa bahay kung mayroon silang sintomas tulad ng lagnat, ubo at sipon.