-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pitong kaso ng rabies kung saan ang lahat ng pitong indibidwal ay namatay.

Sinabi ng DOH na tumaas ng 63 percent ang mga kaso ng rabies mula Disyembre 17 hanggang 31 noong nakarang taon, na may 13 kaso, kumpara sa walong kasong naitala dalawang linggo na ang nakalipas.

Ang Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen at ang Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao ang nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso.

Ayon pa sa ahensya, may fatality rate na 100 percent ang rabies. Ang mga alaga at ligaw na hayop tulad ng pusa at aso ay maaaring magdala ng rabies.

Minamandato ng Anti-Rabies Act sa Bureau of Animal Industry na manguna na kontrolin at puksain ang animal at human rabies.

Inaatasan ang mga local government unit na tiyakin na ang mga alagang hayop ay nabakunahan nang maayos.

Dapat ding magbigay ang DOH ng post-bite treatment sa mga exposed, at pre-exposure prophylaxis sa mga indibidwal na itinuturing na high risk sa infection.