-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na nasa 30,000 volunteers na ang nag-sign up para tumulong sa tatlong araw na pambansang COVID-19 vaccination drive mula Nob. 29 hanggang Disyembre 1.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, concurrent Director IV of the Health Promotion Bureau and the Disease Prevention and Control Bureau, ilan sa kanila ay nagmula sa National Capital Region (NCR) at mag-tatravel palabas ngunit nangangailangan pa rin sila ng karagdagang volunteers.

Nauna nang sinabi ng DOH na target nito ang 160,000 volunteer health-care workers na ipapakalat sa buong bansa para sa kampanya.

Magugunitang magkahiwalay na inihayag ng National Task Force Against COVID-19 (NTF COVID-19) at ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ibababa ng gobyerno ang target na output para sa national vaccination drive nito sa 9M jabs mula sa paunang 15 milyong jab, kasunod ng kakulangan sa mga ancillary supplies at iba pang logistical challenges.