-- Advertisements --

Muling nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng mas mababa sa 1,000 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ikatlong sunod na araw.

Ngayong hapon, base sa datos na inilabas ng DoH nasa 863 lamang ang karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 791 na gumaling at 142 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 0.6 percent o 17,853 ang aktibong kaso, 97.7 percent o 2,764,517 na ang gumaling at 1.70 percent o 48,017 ang namatay.

Sa pinakahuling ulat, dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 24, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.2 percent sa lahat ng samples na naitest at 0.1 percent sa lahat ng positibong mga indibidwal.