-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado ng 2,080 bagong kaso ng COVID-19, habang bumaba ang aktibong tally sa 16,503.
Batay sa pinakahuling figure ng DOH, ang nationwide caseload ay kasalukuyang nasa 4,125,716, habang ang active tally ay bumaba sa 16,503 mula sa 16,577 noong Biyernes.
Samantala, ang recovery tally ng bansa ay tumaas sa 4,042,747, habang ang bilang ng mga nasawi ay tumaas sa 66,466 na may 13 bagong nasawi.
Ang mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 10,006, sinundan ng Calabarzon na may 5,607, Central Luzon na may 1,912, Western Visayas na may 1,401, at Bicol Region na may 900.