Nakapagtala ng kabuuang bilang na 279 na bagong kaso ng Covid-19 virus sa bansa, ayon sa mga datos ng Department of Health (DOH).
Ang mga bagong kaso ay nagdala ng bilang ng mga kumpirmadong impeksyon mula noong 2020 sa 4,070,287.
Sa bilang na ito, 12,143 ang nananatiling aktibo o nagpapagaling pa mula sa viral disease na COVID-19.
Nanatili ang Metro Manila sa nangungunang puwesto na may pinakamaraming impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 1,761 sumunod ay ang Calabarzon na may 895 na kaso na sinundan ng Central Luzon na may 458, Cagayan Valley na may 380, at Western Visayas na may 304.
Gayunpaman, nakapagtala din ang Pilipinas ng 65,590 na nasawi simula noong nagsimula ang pandemya dalawang taon na ang nakararaan.
Una na rito, binigyang-diin ng Department of Health ang kahalagahan ng pagbabakuna at pag-iingat sa gitna pa din ng nakamamatay na Covid-19.