Nakapagtala ng karagdagang bilang ng mga holiday road mishaps ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pag-monitor ng ahensya sa nakakaalarmang pag-angat ng bilang nito.
Sa kasalukuyan ay nadagdagan ng panibagong 18 kaso ang mga naturang insidente simula Disyembre 22 hanggang Enero 5.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 656 ang bilang ng mga aksidente na siyang mas mataas ng 32.7% kumpara noong nakaraang taon.
Batay sa datos, 569 ang napagalamang hindi gumagamit ng kahit ano mang safety accessories gaya ng helmet, habang 123 naman na mga motorista ang mga nakainom.
Mula naman sa bilang na ito, 468 ang sangkot ng mga motorsiklo o mga scooters.
Samantala, hindi na rin nabigla si Health Secretary Teodoro Herbosa sa naging kinalabasan ng bilang na ito ngunit tinuring niya itong ‘bad news’ dahil na rin sa pitong nasawi na nasangkot sa mga naturang aksidente.