Nakapagtala ng pagbaba ang Department of Health sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa huling mga araw ng 2023 kumpara noong pre-holidays.
Base ito sa datos ng Epidemiology Bureau ng DOH na ibinigay kay Secretary Ted Herbosa.
Ayon sa kalihim sa kaniyang paglilibot sa mga ospital nito kamakailan, naobserbahan nito na kakaunti lamang ang mga kaso ng naturang sakit.
Paliwanag ng kalihim ang pagbaba sa mga kaso ay marahil dahil sa nagdiwang ang mga tao sa kanilang mga tahanan sa pagsalubong ng bagong taon kumpara noong long week holiday rush noong bago ang araw ng Pasko kung saan madalas nangyayari ang public celebrations at shopping sales.
Kayat tumaas ang kaso ng covid-19 at iba pang respiratory illnesses kabilang na ang influenza-like illnesses.
Base sa panibagong impormasyon mula sa ahensiya, nakapagtala ang bansa ng karagdagang 521 kaso sa nakalipas na Dec. 29 kung saan mas mataas ito sa daily cases na naitala noong Dec. 24 at 26. 2023.
Saad pa ng kalihim sa publiko na maaari ng maikonsidera bilang isa na lamang sa mga sakit na may mababang kaso ang covid-19 dahil kakaunti na lamang ang mga kaso sa mga ospital.