Nakapagtala ang Department of Health noong linggo ng 36 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay maituturing na pinakamababang daily tally simula pa noong Marso 20,2020 na kung saan nakapagtala ang ahensya ng 13 na kaso sa isang araw.
Bumaba rin ang active cases sa 9,378 at ito ay pinakamababa sa loob ng 218 days mula noong July 2 ng nakaraang taon na kung saan ang active na kaso ay pumalo sa 9,105.
Batay sa kasalukuyang datos ng DOH COVID-19 tracker ay pumalo na sa 4,073, 826 ang kabuuang kaso sa bansa dahil sa mga bagong kaso.
Ang kabuuang gumaling naman sa naturang virus ay tumaas ng 217 na at ito ay mag kabuuang 3,998, 597 habang ang bilang ng mga nasawi ay pumalo na sa 65, 851.
Samantala, nakapagtala ang Metro Manila ng babong 614 covid-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo at sinusundan ito ng Calabarzon na may 268; Region XI na may 175 na kaso, Region VI na may 151; at Region III na may 138 na kaso
Umabot naman sa 18.4% ang COVID-19 bed occupancy o kabuuang 4,753 na kama ang okupado at 21, 049 na kama naman ang naitalang bakante.