Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng halos triple sa pagtaas ng mga kaso ng hand, foot and mouth disease simula ika-2 ng Enero hanggang ika-22 ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
Batay sa datos ng ahensya, nagkaroon ng kabuuang bilang na 7,598 na mga kaso ng HFMD sa mga naturang petsa. Ito ay halos tatlong beses na mataas mula sa bilang na 2,665 na HMFD cases noong nakaraang taon sa parehong timeline.
52% sa mga ito ay mula sa mga rehioyon ng Central Luzon, Mimaropa, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nasa kabuuang bilang na 4,225 o katumbas ng 56% naman mula rito ay mga kabataang nasa edad 4 na taong gulang pababa habang 2,069 naman ang mga nasa edad ng 5 hanggang 9 na taong gulang.
Bagamat bihirang makamatay ang HMFD at kusang nagaling, pinaalalahanann naman ng DOh ang publiko na mabilis lamang kumalat ang naturang sakit kaya ugaliin umano ang paghuhugas ng kamay na dapat ay tumnagal ng 20 segundo gamit ang sabon at tubig.
Umiwas din muna aniya sa mga indibidwal na nakikitaan ng sintomas nito o positibong may HMFD.
Samantala, paalala rin ng adepartamemnto na kumonsulta agad kung maramdaman ang mga sintomas gaya ng lagnat, pagubo, sipon, mouth sores, blisters sa palad o paa.
Ang mga suspected o confirmed cases naman ay pinayuhang huwag lumabas ng kanilang bahay at huwag muna pumasok sa eskwelahan o trabaho.