Patuloy daw ang pagbibigay ng Department of Health (DoH) ng assistance sa mga ospital sa iba’t ibang panig ng bansa na puno na dahil pa rin sa mga pasyente na tinamaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakatutok sila ngayon sa iba’t ibang rehiyon na mataas ang kaso ng COVID-19 at ang mga ospital na punuan na.
Nagse-set umano ang DoH ay nagse-set up na raw ng modular hospitals at tents para madagdagan ang kapasidad ng mga health facilities.
Inihirit na rin daw ng DoH sa mga local government units na i-mobilize ang Level 1 hospitals para sa COVID-19 response dahil punuan na rin ang karamihan sa kanilang mga pasilidad.
Maliban dito, patuloy din umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa One Hospital Command Center na siyang nag-aassist sa paghahanap ng health facilities na puwedeng tumanggap at mag-admit ng COVID-19 patients.
Kung maalala, noong Linggo ay napaulat na ilang ospital sa Metro Manila ay pansamantala nang sinuspindi ang pagtanggap ng COVID-19 patients dahil nasa full capacity na ang kanilang wards dahil sa biglaang paglobo ng covid cases.