Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) hinggil sa napaulat na posibleng bagong COVID-19 variant na Omicron XE na na-detect sa Bangkok, Thailand.
Nagpapatuloy din ang isinasagawang obserbasyon at monitoring sa naturang variant kung ito ba ay categorized bilang sub-variant ng Omicron o bagong variant na papangalanan ng WHO sakaling magpakita ito ng pagbabago sa characteristics nito.
Batay sa WHO, ang XE recombinant ay isang mutant ng BA.1 at ng BA.2 sub-variants ng Omicron.
Kaugnay nito, patuloy din ang monitoring case trends ng DOH sa tulong ng Philippine Genome Center.
Paalala ng DOH sa publiko na kasabay ng pagtalima sa mga minimum public health standrads hinihikayat ang lahat lalo na ang mga vulnerable population gaya ng matatanda, immunocompromised, may commorbidities at mga bata na magppabakuna at magpa-booster laban sa virus.
Sa kasalukuyan nananatiling nasa mahigit 35,000 pa ang aktibong mga kaso ng COVID-19 sa bansa.