Hinimok ng Department of Health (DOH) ang iba’t ibang COVID-19 vaccination sites sa bansa na ipagpatuloy ang operasyon nito sa kabila ng pagtalima sa Semana Santa.
Layunin nito ay upang makapagbigay pa rin ng proteksyon sa mga tao laban sa nakamamatay na virus.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maglalabas sila ng memorandum sa iba’t ibang ospital ng DOH na hikayatin silang ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa pagbabakuna sa Semana Santa.
Nilinaw naman nito na magdepende rin sa local government units (LGUs) kung gagana ang kanilang vaccination sites tuwing Semana Santa.
Samantala, hinimok naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga pinuno ng simbahan na iwasan ang mga aktibidad na maaaring magpapataas ng panganib sa pagkalat ng COVID-19 virus.
Hinimok ng opisyal ng kalusugan ang mga humahawak sa mga religious images na maghugas ng kanilang mga kamay at iwasang hawakan ang kanilang ilong at bibig.