-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga tumatakbong kandidato para sa halalan sa darating na ikampanya na rin sa taumbayan ang bakunahan laban sa COVID-19.

Ipinahayag ito ni Health Secretray Francisco Duque III at sinabing isabay na rin ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya para sa halalan ang kampanya para sa National Vaccination Program.

Binigyang-diin ni Duque ang kahalagahan ng public health policy at bakunahan sa bansa upang mabigyan aniya ng dagdag na proteksyon ang lahat ng mga Pilipino.

Ito ay upang makamit na rin ang target na makapagbakuna ng nasa 90 milyon na mga Pinoy sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Magugunita na una nang sinabi ng DOH na marami pa rin sa ating mga kababayan ang nakatanggap na ng kanilang primary series ng COVID-19 vaccine na hindi pa nagpapabakuna ng booster shot dahil sa nakakampante na ang mga ito kasabay ng pagluluwag ng mga protocols sa ipinatutupad sa bansa at pagbaba ng mga kaso ng nasabing sakit.