-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na magpabakuna sa tatlong araw na National Vaccination Day at tumalima sa public health standards upang mapigilan magresulta ang naturang aktibidad bilang COVID-19 superspreader events.

Payo ni Dr. Beverly Ho, concurrent director IV ng Health Promotion Bureau and the Disease Prevention and Control Bureau sa mga makikilahok sa nationwide vaccination na huwag mag-alinlangan na paalalahanan ang bawat isa habang nag-aantay sa pila na isuot ng maayos ang face mask at pagsunod sa physical distancing.

Nagpaalala rin ang DOH sa mga walk-ins partikular na ang mga senior citizens at may comorbidities na hinihikayat ang mga ito na magpatala na sa kanilang LGUs para maiwasan ang over crowding.