-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Health (DOH) na iwasan ang magbiro na may kinalaman sa sakit bilang bahagi ng April Fool’s Day.

Ayon sa DOH na bukod sa mga sakit ay iwasan din sana na gawing biro ang mga mayroong physical o mental conditions.

Mahalaga na may malasakit at hindi gawing biro ang dinaramdaman ng ibang tao.

Ang nasabing mga biro ay nakakadagdag sa stigma na kailangan ay matanggal na.