-- Advertisements --

Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso na mabigyan sila ng P49 billion budget para sa buwanang allowance ng lahat ng mga at-risk na health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa plenary debates hinggil sa proposed 2022 budget ng DOH, sinabi ni Cebu 5ht District Rep. Vince Frasco na ang pondong hinihingi ng DOH ay sapat para sa 526,727 health workers.

Sa ilalim ng proposed scheme ng DOH, ang mga high-risk health workers, o iyong mga may direct contact sa mga COVID-19 patients, ay makakatanggap ng P9,000 allowance.

Ang mga medium-risk workers ay makakatanggap ng P6,000, at P3,000 para naman sa mga low-risk workers.

Sinabi ni Frasco na sakop sa allowance na ito ang mga janitors sa mga ospital na exposed sa hospital wastes.

Sa ngayon, nasa 79,962 ang low-risk health workers, 47,173 ang medium-risk workers, at 399,592 naman ang high-risk.