-- Advertisements --

Nangangamba ang Department of Health (DOH) na tumaas ulit ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong papalapit na ang Pasko.

Sa briefing ng House Committee on Trade and Industry, binigyan diin ni DOH Epidemiology Bureau Dir. Alathea de Guzman na hindi dapat nagpapakampante ang publiko sa kabila nang pagbaba ng mga naitatalang nagong COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo.

Ipinapaala niya na nariyan pa rin ang banta ng coronavirus kaya dapat pa rin ang ibayong pagsunod sa minimum health protocols kahit pa niluluwagan na ang mobility restrictions.

Sa kanyang ulat sa komite, ibinahagi ni De Guzman na sa ngayon ay nasa one percent na lamang ng total caseload ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19 o iyong mga maituturing pang active cases.

Ang recovery rate naman aniya ay pumapalo na sa 97.38 percent, habang ang fatality rate naman ay 1.62 percent.