-- Advertisements --

Muling ibinabala ng Department of Health (DOH) ang negatibong paggamit ng glutathione para pumuti ang isang tao.

Ayon sa DOH na hindi nila isinusulong ang paggamit ng glutathione para sa pumuti ang isang tao.

Iginiit nito na noon pang 2019 ay naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration (FDA) na walang clinical trials ang mga injectable glutathione para pumuti.

Pinapayagan lamang ito sa para sa gamutan ng Cisplatin chemotherapy.

Reaksyon ito ng ahensiya sa kumalat na larawan ng may-bahay ni Senator Robinhood Padilla na nagpaturok umano ng gluta habang ito ay nasa senado.