Fake news o walang katotoohanan ang kumalat na impormasyon sa social media na mayroong panibagong international health concern ang naitala ng health experts sa ibang bansa.
Paglilinaw ito ni DOH Asec Albert Domingo, kasunod ng social media post kaugay sa umano’y epidemiya dahil sa tumataas na respiratory illness sa China.
Sinabi ng opisyal na agad silang nakipagugnayan, direkta sa World Health Organization (WHO) upang alamin ang katotohanan sa likod ng balitang ito.
Dito aniya nila napagalaman na fake news ang impormasyon.
Minonitor din aniya nila ang nasabing bansa, at napagalaman na hindi naman ito naglabas ng anomang health declaration.
Sila aniya sa DOH, hindi binabangit ang bansa at ang sinasabing sakit, dahil hindi naman totoo ang balitang ito.
Pagbibigay diin ng kalihim, kung mayroon mang health concern na dapat malaman ng publiko, malalaman agad ito ng DOH, at sila mismo ang magpapabatid sa mga Pilipino.