-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na fake ang kumakalat na post sa social media na nagsasabing kontaminado umano ng Human immunodeficiency virus (HIV) ang needle na itinuturok ng miyembro ng Faculty of Medicine na nagbabahay-bahay para sa Blood sugar tests.

Sa isang advisory, sinabi ng DOH na ang naturang claim ay pinabulaanan na rin ng Philippine National Police (PNP) at kinumpirmang isa aniya itong scare tactic na walang factual basis.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensiya ang publiko na huwag i-share ang hindi beripikadong claims na maaaring magdulot ng pagkaalarma.

Hinihikayat din ang publiko na maniwala lamang sa mga impormasyon mula sa lehitimong sources at platforms gaya ng health department na maaaring ma-access sa pamamagitan ng kanilang official social media accounts at website.