-- Advertisements --
Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi air-borne disease ang mpox virus.
Ayon sa DOH na maililipat lamang ang mpox sa pamamagitan ng skin-to-skin contact.
Maari din itong agad na matanggal sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig at sabon.
Sa inilabas na panuntunan ng DOH na marapat na ugaliin na panatilihin ang hygien, pag-dissinfect ng mga gamit, pagsuot ng dagdag na proteksyon sa katawan gaya ng long sleeves o jackets at pag-iwas na lumapit sa mga kontaminadong hayop gaya ng unggoy.
Pinayuhan din ng DOH ang mga nakakaranas ng sintomas nito na magpasuri sa pinakamalapit na pagamutan.