-- Advertisements --
Zamboanga City – Nilinaw ni Dr. Joshua Brillantes, Assistant Regional Director ng Department of Health Region IX na hindi remedyo o lunas ang Alcoholic Beverages o Alak sa Novel Coronavirus.
Sa Ekslusibong panayam ng Star FM Zamboanga kay Dr. Brillantes, base sa mga pagaaral, walang naitalang medical benefit ang pag inom ng alak laban sa NCoV o kung ano mang viral infection.
Taliwas sa mga kumakalat na artikulo sa internet at social media sa halip maari pang magpalala sa sitwasyon kung sakali mang nahawaan ng NCoV ang isang indibidwal.
Reaksyon ito ng DOH sa paglabas ng artikulo na nag pag-inom ng mga alak ay gamot laban sa NCoV.