
Nilinaw ng Department of Health (DOH) sa publiko na walang bagong mga kso ng Henipavirus infection sa Pilipinas simula noong 2014 sa gitna ng nararanasang mataas na bilang ng nasasawi sa India dahil sa naturang virus.
Ang Nipah virus, na kabilang sa Henipavirus genus ay pinangangambahang dahil sa 40% hanggang 70% mortality rate nito. Wala pa din sa ngayong nadidiskubreng bakuna para sa nasabing virus.
Ayon sa DOH, sa kasalukuyan mayroong isang kaso ng Henipavirus infection na naitala sa bansa. Ang naturang kaso ay nadetect sa Sultan Kudarat noong taong 2014.
Base sa imbestigasyon, an napaulat na mga kaso ay nakaranas ng mga senyales at sintomas matapos na magkaroon ng exposure sa kabayo o sa karne nito ngunit simula noon ay wala ng parehong health events o suspect cases ang naitala sa Epidemiology Bureau.
Ilan sa mga senyales at sintomas ng Nipah virus ay lagnat, pananakit ng ulo, ubo at hirap sa paghinga.
Ilan pa sa sintomas nito ay respiratory infection, vomiting at minsan ay kombulsyon at pamamaga ng utak na maaaring humantong sa coma.
Karaniwang naihahawa ito sa tao mula sa hayop o sa pamamagitan ng food contamination subalit naipapasa din ito ng direkta mula sa tao patungo sa ibang tao.
Ilan sa natural carriers ng virus ay ang fruit bats na natukoy bilang kadalasang sanhi ng outbreaks.
Maliban sa India, naitala na rin ang Nipah outbreaks sa bansang Malaysia, Singapore at Bangladesh.
Samantala, naglatag na ang DOH ng surveillance system para mapangasiwaan ang sakit sakaling magkaroon ng panibagong kaso sa bansa.