-- Advertisements --

Nangngamba ang isa sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) na baka hindi na naman maabot ng pamahalaan ang target nitong mabakunahan ang 1.8 million pang mga Pilipino sa ika-apat na bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” national vaccination drive.

Sa isang panayam, binigyan diin ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje na sa ikalawang araw ng three-day initiative, tanging 44.49 percent ng target ang nabakunahan, na katumbas ng 833.162 doses.

Aminado si Cabotaje na nahirapan sila, at napakaraming factors kung bakit hindi naabot ang target na 1.8 million

Mababatid na ang Bayanihan, Bakunahan 4 ay isinagawa mula Marso 10 hanggang 12, 2022, kung saan target sana na makapagbakuna ng mas marami pang mga senior citizens at mga bata.

Sinabi ni Cabotaje na isa sa mga dahilan kung bakit hindi naabot ang target na bilang ay dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa, dahilan para hindi makalabas ng kanilang bahay ang mga tao para pumunto sa mga vaccination sites.

Tinukoy din niya ang pagiging complacent na sa ngayon ng ilang mga Pilipino sa pag-iisip na hindi na nila kailangan nang primary at booster doses sapagkat bumababa na rin namana ng naitatalang COVID-19 cases sa buong bansa.

Sa BARMM lang at Mimaropa regions, 15,000 at 14,000 lamang ang nabakunahan sa unang dalawang araw ng Bayaniha, Bakunahan 4.

Dahil dito, sinabi ni Cabotajet na kailangan ng Department of Health na baguhin ang kanilang istratehiya at palawigin pa ang Bayanihan, Bakunahan ngayong linggo lalo na sa mga lugar na mababa ang vaccination rates.