-- Advertisements --
therman scanner senate

Naghigpit ang Senado sa pagtanggap ng mga bisita, maging sa mga pagdinig.

Ito’y upang hindi makalusot ang posibleng carrier ng kinatatakutang 2019 Wuhan corona virus ay nilagyan na ng pamunuan ng Senado ng thermal scanner ang main entrance ng gusali.

Gabi pa nang ilagay ang naturang scanner, bago ang pagdinig ukol sa nCoV ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Sen. Christopher Bong Go.

Ayon kay Go na imbitado sa hearing ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DOLE, OWWA at POEA para sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad, Department of Tourism para sa impact nito sa turismo, DOTr para sa mga kanseladong biyahe at mga flights gayundin ang DTI para sa problema ng kakulangan at overpriced ng face mask.

senate scanner

Kasama rin aniya ang Philippine Coast Guard sa pagdinig para naman sa pagpigil sa mga barkong papasok sa bansa habang inaasahang makakasama din ang mga kinatawan ng Immigration, Manila International Airport Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, DepEd, Department of Finance at ilang mga doktor mula sa Department of Health (DOH) upang malaman ang estado ngayon sa bansa ng kinatatakutang nCoV.