Nakipagpulong si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire kay French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz upang paigtingin ang kooperasyon sa sektor ng kalusugan.
Naging bahagi ng talakayan ang pagpapalakas ng pagtugon sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabakuna, pagsasakatuparan ng Universal Health Care, at pagtugon sa nga sakit katulad ng HIV, tuberculosis, dengue, at malaria.
Sinabi ng Department of Health na matagal na umano nilang pinapahalagahan ang relasyon nila sa international partners at stakeholders.
Sa pamamagitan daw ng kanilang tuloy-tuloy na investment at collaborations at sa pamamagitan ng One Health Approach maging ang mas pinagandang collaboration sa mga key partners gaya ng gobyerno ng France ay tiwala raw ang mga itong mapapanatili nila ang kanilang commitments sa kanilang targets at aspirations para sa Philippine Health.