-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na makakatulong ng malaki ang dagdag sahod sa mga health workers na para hindi na sila mangibang bansa.

Kasunod ito sa pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos nitong State of the Nation Address (SONA) na bukod sa guro ay itataas din ang sahod ng mga nurses sa bansa.

Sinabi ni DOH Usec. Eric Domingo, na magiging maganda ang pagtaas ng sahod sa mga nurses para mas lalong ganahan ang mga ito na magtrabaho sa bansa at hindi na magbabalak na mangibang bansa.

Hindi rin nito ikinaila na kaya maraming mga nurses ang nangingibang bansa ay dahil sa mababang pasahod sa mga iba’t-ibang pagamutan sa bansa.