-- Advertisements --
Panelo May2
Panelo

Kumpiyansa ang Malacañang na ginagawa ng Department of Health (DOH) ang lahat para mapigilan ang patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na kailangan pang maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba kaugnay nito dahil tiwala itong “on top of the matter” si Health Sec. Francisco Duque.

Ayon kay Sec. Panelo, alam ni Sec. Duque ang kanyang trabaho kaya umaasa ang Malacañang na matagumpay na malalagpasan ng bansa ang pagharap sa banta ng dengue.

Una nagdeklara si Sec. Duque ng national dengue alert para maging alerto ang publiko sa paglaban ng pagkalat pa ng mga lamok na may dalang dengue virus.