-- Advertisements --

MANILA – Walang nakikitang masama ang Department of Health (DOH) sa inisyatibo ng ilang local government units (LGUs) para mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ilang LGUs kasi, pati na ang pribadong sektor, ang nag-anunsyo na magbibigay sila ng insentibo sa mga magpapabakuna o nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

“We don’t see anything wrong with that, actually ang DOH nag-iisip na rin ng additional incentives para makahikayat ng mas maraming tao na magpabakuna,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Batid ng Health department na marami pa rin sa mga Pilipino ang may agam-agam sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine.

Pero hindi lang naman daw materyal na insentibo, tulad ng pagkain at pera, ang iaalok ng DOH sa publiko.

“Providing incentives is start of strategic way of persuasing people so that you can encourage them to comply.”

Maglalabas daw ng guidelines ang pamahalaan kapag tapos nang pag-usapan ang mga ibibigay na incentive sa vaccination.

Ang Las Pinas City, maglulunsad ng raffle sa mga babakunahan ng COVID-19 vaccine.

Kabilang sa mga alok na premyo ay ang pangkabuhayan showcase, motorsiklo, at house and lot.