-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag ng Department of Health (DOH) ang mga iba’t-ibang online sellers sa bansa matapos na makatanggap na ulat na nagbebenta sila ng mga gamot.
Sinabi ni health undersecretary Eric Domingo, na walang anumang permiso ang nasabing mga online sellers mula sa kanila para magbenta ng mga gamot.
Dagdag pa nito na hirap silang mabantayan kung saan nanggaling ang nasabing mga gamot na ibinebenta kumpara sa mga ordinaryong botika.
Tiniyak naman ng ilang online sellers na Lazada at Shopee na sila ay tatalima sa pinag-uutos ng DOH at Food and Drugs Administration (FDA).