-- Advertisements --
DOH entrance
IMAGE | Department of Health/file

MANILA – Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na wala pa ring naitatalang kaso ng bagong COVID-19 variant sa bansa.

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga ulat na nakapasok na sa Pilipinas ang B117 variant ng SARS-CoV-2 virus.

“Amid speculations that the UK variant (B.1.1.7) of the SARS-CoV-2 virus is already in the Philippines, the Department of Health (DOH) and the Philippine Genome Center (PGC) today report that the said variant of the SARS-CoV-2 virus has not yet been detected in the country,” nakasaad sa press release.

Ayon sa DOH, hindi na-detect ng Philippine Genome Center (PGC) ang bagong variant ng COVID-19 sa 305 positive samples na isinailalim sa genome sequencing.

Galing daw sa siyam na institusyon ang mga pinag-aralang samples, na mula sa mga inbound travellers at mga pasyenteng naka-admit noong Nobyembre at Disyembre.

“The 305 samples analysed by PGC were composed of positive samples from November-December hospital admissions and from inbound travellers who tested positive upon arrival at the airport.”

Kinumpirma ng United Kingdom noong Disyembre na bagong variant ng COVID-19 virus ang kumakalat sa bahagi ng London. Sa ngayon, higit 30 bansa na ang nag-ulat na may kaso na sila ng new variant.

HONG KONG MONITORING

Kasabay ng pagbabantay sa bagong COVID-19 variant, nakikipag-ugnayan na rin daw ang DOH sa mga Hong Kong health officials.

Kasunod ito ng ulat na isang 30-anyos na residente ng naturang bansa, na may travel history mula Maynila, ang nag-positibo sa UK variant pagbalik ng Hong Kong.

“(The) department is in close coordination with Hong Kong’s International Health Regulations focal point to secure official notification and other pertinent information regarding the Hong Kong resident who tested positive for the variant following travel history from the Philippines.”

Nanawagan ang ahensya sa lahat ng local government units at transport regulators na panatilihin ang pagpapatupad ng striktong health protocols.

“Strictly following the minimum public health standards (MPHS) is still the best measure to cut transmission of the variant and minimize the opportunities for virus mutation.”

Nasa 21 bansa na ang pinatawan ng pamahalaan ng travel ban dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant, kabilang na ang UK at Amerika.