-- Advertisements --
doh covid 0718

Lumobo pa sa 65,304 ang kabuuang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa pinakahuling case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot sa 2,357 confirmed cases ang iniulat sa loob ng 24 oras batay sa mga tests na isinagawa ng 76 mula sa 84 na mga operational labs.

Nasa 41,464 naman ang bilang ng mga active cases ng sakit.

Maliban dito, pumalo pa sa 22,067 ang kabuuang numero ng mga gumagaling mula sa deadly virus, dahil sa 321 na panibagong recoveries.

Ang death toll naman ay nasa 1,773 na dahil sa bagong 113 na naitalang bagong binawian ng buhay.

Tinanggal naman sa total case count ang 54 na mga duplicates kung saan sa nasabing bilang, dalawang kaso, na naunang iniulat na mga recoveries, ang inalis sa total case count matapos ang final verification.

Paalala ng DOH, patuloy pang magbabago ang numero sa total cases na naiuulat dahil sa nagpapatuloy na isinasagawang paglilinis at validation.