Umakyat pa sa 265,888 ang kabuuang bilang ng mga kinapitan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), umabot sa 4,699 ang naitalang bagong kaso, batay sa isinumiteng datos ng mga laboratoryo sa bansa.
Nasa 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System kahapon.
Ito ay ang:
- Amosup Seamen’s Hospital
- Batangas Medical Center (MON- WED only)
- Calamba Medical Center
- Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital
- Daniel O. Mercado Medical Center
- Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (TALA)
- Eastern Visayas Regional Medical Center
- Marikina Molecular Diagnostic Laboratory
- Marilao Medical and Diagnostic Clinic
- Oriental Mindoro Provincial Hospital
- Qualimed Hospital Sta. Rosa
- Safeguard DNA Diagnostics
- San Pablo College Medical Center
- Southern Philippines Medical Center
- Tropical Disease Foundation
Nangunguna pa rin ang NCR sa nakapagtala ng newly-confirmed cases, na sinundan ng Calabarzon at Region 3.
Mula sa higit 4,000 dagdag na kaso ng sakit, 87% ang nagpositibo sa nakalipas na 14 na araw.
Ang mga nagpapagaling o active cases ay 53,754.
Samantala, nadagdagan pa ng 249 ang bilang ng mga gumaling sa deadly virus, kaya sumampa pa ang recoveries sa 207,504.
Habang naitala naman ngayon ng bansa ang record-high na bilang ng mga namatay sa COVID-19, na nasa 259.
Kaya naman, lumobo pa sa 4,630 ang death toll ng bansa sa COVID-19.
May 27 duplicates daw na tinanggal ang DOH sa total case count, kung saan 16 ang recoveries.
Nasa 297 kaso ng recoveries naman ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na 253 ang patay na at 44 ang active cases.