Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang cardiovascular disease ay nananatiling nangungunang sanhi ng sakit, kapansanan, at maging ng kamatayan sa Pilipinas.
Ang ischemic heart disease, hypertensive disease, at stroke ay kabilang sa mga pinakakaraniwang cardiovascular ailment na nakakaapekto sa mga Pilipino.
Bilang tugon sa nakababahalang trend na ito, naglunsad ang DOH ng kampanya na may temang “Puso ang Piliin ngayong Heart Month o Choose Heart this Heart Month.
Binigyang-diin ni Dr. Albert Domingo, DOH Officer-in-Charge Assistant Secretary at Deputy Spokesperson na ang selebrasyon at kampnaya ay naglalayong igiit ang suporta ng publiko para sa pagtataguyod ng cardiovascular health at wellness, lalo na sa pagtaas ng bilang ng mga taong apektado ng sakit sa puso sa bansa.
Samantala, ang mga ulat mula sa 2022 Family Health Survey Information System (FHSIS) ay nagsiwalat na mahigit 155,000 Pilipino ang kasalukuyang nabubuhay na may sakit na cardiovascular.
Sa nangungunang sampung listahan ng mga sakit o morbidities, ang hypertension ay nakalista pa rin bilang ikalawa sa nangungunang sanhi, na may rate na 410 para sa bawat 100,000 populasyon, tulad ng iniulat sa 2020 Philippine Health Statistics.
Una na rito, paalala ng DOH na maging maingat sa mga kinakain dahil isang paraan rin ito upang makaiwas sa anumang sakit na maaaring maranasan ng isang indibidwal.