-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-practice ng good hygiene sa gitna ng tumataas na kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD).

Nakapagtala ang DOH ng 7,598 kaso ng HFMD sa pagitan ng Enero 1 at Pebrero 22, na halos tatlong beses na mas mataas kaysa sa bilang ng mga kaso na naiulat (2,665) sa parehong panahon noong 2024.

Gayunpaman, mas mababa ito kumpara sa mahigit 2,500 kaso na naiulat sa isang linggo noong Pebrero 2023.

Karamihan (52%) ng mga kaso ng HFMD noong 2025 ay naitala sa Central Luzon, MIMAROPA, Metro Manila, at Cordillera Autonomous Region (CAR). 

May 56% o 4,225 na kaso ang kinasasangkutan ng mga batang 4 taong gulang pababa, habang 2,069 na kaso ang nasa edad 5 hanggang 9 na taon.