Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mainit na panahon ngayong opisyal na ang tag-araw dito sa Pilipinas.
Nangyayari kasi ang heat exhaustion o pagkahapo dahil sa init kapag na-expose sa mataas na temperatura at kadalasang may kasamang dehydration.
Ang ilang mga sintomas na dapat bantayan ay amg dark-coloured urine, pagkalito, pagkahilo, pagkapagod, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagduduwal, pagsusuka, maputlang balat, labis na pagpapawis, at mabilis na tibok ng puso.
Babala pa ng ahensiya na kapag hindi agad nalunasan, ang pagkahapo sa init ay maaaring humantong sa heat stroke na maaaring makapinsala sa utak at iba pang bahagi ng katawan at maging sanhi ng kamatayan.
Upang maiwasan ang heat exhaustion, payo ng DOH na uminom ng maraming tubig, pumunta sa isang malamig na lugar, magpahinga, ihinto ang anumang aktibidad, at humingi ng emergency assistance kung kinakailangan.