-- Advertisements --
image 217

Bukas ang Department of Health (DOH) sa posibilidad na maaaring ipatupad sa bansa ang Alert Level O na alert level system kaugnay sa Covid-19 response nito.

Ito’y matapos napansin ng kagawaran na unti-unti nang bumalik sa normal ang sitwasyon ng bansa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tinitingnan nila ang muling pag-uusap sa pagpapataw ng Alert Level 0 sa patuloy na pagpapabuti ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Kung maalala, noong Marso 2022 nang naisip ng ahensiya na ipakilala ang Alert Level 0 bilang isang paraan para higit pang bumaba mula sa Alert Level 1.

Gayunpaman, nagpasya ang kagawaran na panatilihin na lamang ang Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng administrasyong Duterte.

Batay sa pinakahuling trend ng COVID-19, sinabi ng ahensiya na ang lahat ng mga lugar ay nakapagtala ng pagbaba ng mga kaso nitong mga nakaraang araw, habang ang mga severe/critical hospital admissions ay bumababa pa rin sa loob ng ilang linggo.