Hala, sige! Kain ng maaalat at matatabang na pagkain pa more! Subukan naman natin maghanda ng low-fat at low-salt na…
Posted by Healthy Pilipinas on Tuesday, December 22, 2020
MANILA – Bukod sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na madalas lumalabas kapag year-end holiday.
“Marami tayong sakit katulad ng hypertension, hypercholesterolemia, emphysema,” ani Health Sec. Francisco Duque III.
Paliwanag ng kalihim, nakukuha ang mga naturang sakit kapag walang ang indibidwal ay kontrol sa pagkain ng mamantikang lutuin at labis na paninigarilyo.
“Yung mga nagsasabi na, minsan-minsan lang ito, hindi totoo ‘yan.”
“Parang mga kalawang yan na babara sa inyong daluyan ng dugo.”
Ayon kay Duque, ang labis na pagkain ng mga matatab at mamantikang pagkain ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa utak, puso, at kidney.
“Dapat mag-iingat tayo, yung prevention sa COVID-19… an ounce of prevention is always better than a pound of cure.”
Una nang inalerto ng Philippine General Hospital ang mga kapwa pagamutan ukol sa inaasahan ding pag-dagsa ng non-COVID-19 patients pagkatapos ng holiday season.
Nitong araw, umabot na sa 464,004 ang total coronavirus cases sa Pilipinas.