-- Advertisements --
Nanawagan si Department of Health Secretary Francisco Duque III ang mga pagamutan at local government units na maghanda sa mga inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayon holiday season.
Sa ginawang national address kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, na dapat maglaan ng sapat na bilang ng kama at mechanical ventilators.
Pinapatiyak naman niya sa local government units na dapat mayroong sapat na isolation beds sa mga temporary treatment and monitoring facilities.
Patuloy pa rin ang pakiusap ng DOH sa mga mamamayan na dapat sundin pa rin mahigpit ang mga minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face shield, face mask at pagpatupad ng social distancing.