-- Advertisements --
image 526

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng health advisory upang tulungan ang publiko sa paghahanda para sa mga potensyal na panganib sa kalusugan na nauugnay sa ash fall ng Bulkang Mayon.

Iniulat kasi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang muling pagbuga ng abo mula sa Bulkang Mayon.

Inirerekomenda ng DOH ang iba’t ibang hakbang sa kaligtasan bilang tugon sa mga aktibidad ng bulkan.

Pinayuhan ang mga residente na malapit sa Mayon Volcano na iwasang magbukas ng mga pinto at bintana o gumamit ng makapal na kurtina para mabawasan ang pagpasok ng mga ash particles.

Binigyang-diin din ang pangangailangan ng paggamit ng mga face mask o iba pang panakip sa mukha upang maprotektahan ang bibig at ilong na makalanghap ng abo.

Kasama sa mga angkop na alternatibo ang mga surgical o medical mask at dust mask.

Pinaalalahanan din ng DOH ang mga taong may hika at allergy na panatilihin ang sapat na suplay ng mga iniresetang gamot at sundin ang mga rekomendasyon ng kanilang mga doktor upang makaiwan sa anumang sakit na dulot ng ash particles mula sa bulkang Mayon.