-- Advertisements --
Pinaghahanda na ng Department of Health (DOH) ang publiko para sa mga sakit na kadalasang nakukuha tuwing tag-ulan.
Kabilang sa mga sakit na ito ayon sa DOH ay diarrhea, water-borne diseases tulad ng typhoid fever, cholera, leptospirosis, at vector-borne diseases kagaya ng malaria at dengue.
Sa isang statement, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na maiging maging handa laban sa mga sakit na ito ngayon pa lamang bago pa ang tag-ulan sa pamamagitan nang pagkakaroon ng malakas na resistensya laban dito at pagkakaroon ng malinis na pangangatawan at kapaligiran.
Nauna nang sinabi ni Pagasa deputy administrator Flaviana Hilario na posibleng sa una o ikalawang linggo ng Hunyo ang onsent ng maulang panahon.