-- Advertisements --

Todo ang ginagawang paghahanda ng Department of Health (DOH) sa inaasahang influx ng dengue cases ngayong taon matapos na umabot na sa 180 ang bilang ng nasawi sa naturang karamdaman sa unang qurter pa lang ng 2019.

Ayon sa DOH, 48,634 kaso na ng dengue ang naitala sa unang quarter ng 2019, na ikinasawi ng 184 katao.

Mas mataas ito kumpara sa 23,328 cases noong noong nakaraang taon, kung saan 150 katao ang napaulat na nasawi.

Ngayong 2019, ang Region VII ang siyang may pinakamaraming naitalang dengue cases ngayong taon sa 5,421 na sinundan naman ng Metro Manila na may 4,855 na dengue cases at Calabarzon na may 4,851 cases.

Sa Caraga region naman, 4,570 dengue cases ang naitala ngayong taon habang sa Region III ay may 4,009 reported dengue cases.