-- Advertisements --

Balak ng Department of Health (DOH) na bumili ng oral antiviral drug na Paxlovid bilang panlaban sa COVID-19.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na mayroon na silang pakikipag-usap sa mga representatives ng US Pharmaceutical company na Pfizer para sa posibleng pagbili ng nasabing gamot.

Dagdag pa nito, nakipagpulong na sila kay Philippine Ambassador to US Babes Romualdez at ang kinatawan ng Pfizer para sa pagbili ng nasabing mga gamot.

Natalakay dito kung paano ang mabilis na paraan para makabili ng nasabing gamot.

Magugunitang binigyan ng autorization ng US Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use ng Paxlovid para sa paggamot ng mild-to-moderated COVID-19.

Una ng ipinagmalaki ng Pfizer na 89 percent effective sila sa pagpigil ng hospitalization at kamatayan ng isang pasyente.