-- Advertisements --
Inatasan ng Department of Health (DOH) ang lahat ng mga govenrment hospitals na buksan ang kanilang dengue fast lanes.
Kasunod ito sa pagtaas ng naitatalang kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa DOH, na dapat tiyakin ng mga government hospitals na gumagana at mayroong mga sapat na gamot at kagamitan ang mga dengue fast lanes.
Inihanda na rin ng DOH ang mga dengue kits na gagamitin ng mga local government units (LGU).
Mula Enero 1 hanggang Pebrero 15 kasi ay mayroong 43,732 dengue case ang kanilang naitala na ito ay mas mataas sa 27,995 na kaso sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga kasong naitala ay sa Calabarzon na sinundan sa National Capital Region at Central Luzon.