image 580

Nag-isyu ng health advisory ang Department of Health (DOH) sa publiko ngayong araw sa gitna ng presensiya ng volcanic smog o vog.

Inirekomenda ng DOH sa publiko na manatili na lamang indoors at iwasan ang outdoor activities para maiwasan ang exposure sa vog.

Inaabisuhan din ng health department ang publiko na panatilihing nakasara ang pintuan at bintana upang maiwasang makapasok ang vog.

Kapag hindi naman maiwasang lumabas, inirerekomenda ng DOH na magsuot ng face mask.

Maliban dito, dapat manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig upang maiwasan ang iritasyon sa laalmunan at pamamaga dulot ng vog.

Ang vog ay inilarawan ng Phivolcs na binubuo ng maliliit na ash particles na naglalaman ng volcanic gases gaya ng sulfur dioxide.

Ang volcanic gases na ito ay mayroong acidic properties na maaaring magdulot ng eye irritation, throat discomfort at respiratory issues kung saan maaring lumala depende sa tagal ng exposure sa vog.

Ayon sa DOH, kasalukuyang nakakaranas ang publiko ng pagbaba sa kalidad ng hangin partikular sa mga lugar malapit sa Taal volcano, karatig na bayan at maging sa Metro Manila.