-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng Department of Health ang kumakalat na post sa social media na nag-ooffer umano ang kanilang kagawaran ng libreng medical insurance. 

Dahil dito, pinag-iingat ng DOH ang publiko dahil ginagamit daw ang kanilang pangalan ng isang pekeng social media page. 

Binalaan naman nito ang nasa likod ng pekeng impormasyon na maaari na silang maghain ng criminal charges kapag nagpatuloy pa ang mga kahalintulad na post. 

Pinayuhan ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang sources tulad ng official online page ng Department of Health.